THE ELEMENTAL GODDESS
Chapter 5
Nasa labas ako ngayon ng bahay. Iniintay ang sasakyan ko patungo sa kung saan ba yung Academy'ng iyon. Shit naman kasi eh. Ayaw ipagamit ni Auntie ang sasakyan ko. Okay, sya na ang kj. Hmp!
"Ang aga mo naman yata, sweetie." Napatingin ako sa main door. Naroon si Auntie at nakangiti sa akin. Lumakad sya papunta sakin at niyakap ako.
"Say hi to Matt for me, will you?" Tumango ako at ngumiti. Doon pala iyon nag-aaral? Masapak nga mamaya yung lalaking yon.
"Sure Auntie. Sasakalin--este, yayakapin ko yun pagdating ko doon." I gave her a reassuring smile. Tangna, muntikan na yun ah. Hoo!
Tumawa sya bahagya at hinalikan ang noo ko.
"Mag-iingat ka doon ha?" Pumikit ng mariin si Auntie na para bang may dinaramdam sya na sakit. Kinapa ko ang leeg nya pero wala naman syang lagnat. Baka naman dahil lang yun sa lungkot? Char!
Biglang may pumaradang isang puting kotse na BMW sa harapan namin ni Auntie. Nagkatinginan kami at nagyakapan. Ito na yata ang sundo. Shit naman oh! Panira moment teh!
"Hala sige, shupi na! Ayan na ang sundo mo!" Tinataboy ako ni Auntie?! Ang bad nya!
I waved goodbye to her and went to the parked car. Fuck, nakakainis. Bakit hindi ko pwede gamitin ang lambo ko?! Mas gusto ko yun kesa dito eh! Sumakay na ako ng kotse.
"Good morning, ma'am." Napatingin ako sa lalaki na nasa passenger seat.
S-shet... A-ang gwapo! niya....
"Uhh... H-hi?!" Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Nakakahiya to...
Hindi na ako umimik at nahihiyang sumandal sa upuan. Feeling ko, umakyat ang lahat ng dugo ko nang mahuli kong nakatingin sa akin yung lalaki. Umandar na ang kotse.
Pero, bakit ba sya nag 'ma'am' sa akin eh halos magka-edad lang kami? That's... Uh, weird.
Napatingin ako sa passenger seat ng biglang tumawa ang lalaki. Ang smile nya... Nakakatunaw!
"Really? Hindi mo ako namumukhaan? Grabe, ang gwapo ko talaga! Haha!"
Napaismid ako. Mahangin. "Saffie! It's me!" None. Doesn't ring a bell to me.
The man sighed and crossed his arms. "Kenta Urusagi, at your service!"
"Whut? You? Ikaw?""Ay hinde. Sya, Saffie! Sya!"
"Oh, ganun ba?" Tumingin ako kay kuya Driver, "hi! Ikaw pala iyan, Kenta!"
I grinned when Kenta facepalmed himself. Oh yeah. I am a bitch at a right time.
"Sa pagkakatanda ko eh, hindi ka pilosopo. May kinalaman ba toh sa paglipat mo sa LAM?" LAM? What the hell is that?
"Oh, I forgot to tell you, LAM is Light Academy of Magics." The hell? Is he reading my mind?
Tumawa na naman sya. Is he insane? Bakit ba palagi syang tumatawa ngayon?
"Uh... Something wrong, Saffie?""Wala. Pansin ko kasi, palagi kang tumatawa ngayon. Anong meron? May clown ba dito at nage-entertain?"
"No. Wala. I'm just happy dahil makikita ko ulit ang mga friends ko doon." Friends? Doon?
"Huh?" Confused. I'm confused right now.
"Oh. Eh kasi naman eh. Ang hirap kaya maging nerd. Buti at hindi na ako magpapaka-nerd doon. Sa school kasi natin dati, palagi akong binubully at ikaw lang yung tagapagligtas ko." Ohhh, yeah. Pansin ko nga na palagi syang binubully.
-------
Mahigit dalawang oras na kaming bumabyahe at bored na ako. Kahit pa naka-earphones ako. Tulog si Kenta at hindi ko makausap si kuyang driver. Aish.
Humarap ako sa bintana at doon ko lang na-realize na puro puno ang dinadanaanan namin. Cliche much? Nakatago ang school at invisible ito? At nasa loob ng gubat na may secret world na nag-eexist? Kalokohan.
At nang hindi ko na kaya, kinausap ko na ang driver. "Kuya, kuya. Malapit na po ba tayo?"
"Malayo pa po ma'am. Mga... Sampung oras pa po bago tayo makarating doon." ANO?! SAMPUNG ORAS? KAYANIN KAYA NG PWET KO YAN?!
"Kuya, sure po ba kayong hindi kayo nababaliw? I mean, sampung oras tayong magba-byahe? Sigurado ba kayo kuya?"
"Opo, Ma'am. Malayong-malayo po talaga ang Akademya sa lugar na kinagisnan nyo."
I closed my eyes. Masyado ba talagang malayo ang paaralang iyon? Hay...
--------
Nagising ako na parang may tumatapik-tapik sa akin. I groaned in annoyance and turned around.
"Saffie, gising na uy! Andito na tayo!" Tinakpan ko ang aking tenga at sinipa ang mapangahas na tao na gumising sa akin.
"Ang sakit ah! Ano ba naman yan!" Kumunot ang noo ko ng hindi ko makilala ang boses na iyon. It's not Auntie's so who?
Unti-unti kong minulat ang mata ko at napangiwi ng maramdaman ang sakit sa aking balakang. Oh, ang makata ko naman yata ngayon?
Medyo malabo pa kaunti ang mata ko dahil siguro nasobrahan ako ng tulog, pero noong ayos na ang paningin ko, nakita ko si Kenta sa harapan ko at nakahawak sa kanyang tyan na marahil ay ang sinipa ko iyon.\"Kenta? Nasaan na... na tayo?" Tanong ko habang ikotin ko ang buong bagong lugar sa paningin.
Kumunot ang noo nya at hinawakan ako sa noo na para bang may sakit ako.
"Hmm, wala ka namang sakit." Ako naman ay napatingala sa kanya. Kinapa din nya ang leeg ko at nang tumagal ay uni-unting lumaki ang kanyang mga mata.
"Don't tell me, naapektuhan ka sa barrier na nilagay ni Libra?"
"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? At anong barrier? Sinong Libra?" Kinamot nya lang ang kanyang leeg at tinakpan ang aking mga mata."It will hurt a little but, kaya mo 'to."
Naramdaman ko ang pagsidhi ng sakit mula sa aking mata kung saan hinawakan ako ni Kenta.
"Ayan! Ayos na." Kumunot ang noo ko. Para saan ba yon at in fairness, marunong din pala gumamit si Kenta ng magic... Teka, magic? Si Kenta?
"Gumagamit ka ng magic?!" I asked, amused by what he had done. At doon ko lang din na-realise na ang barrier na pinagsasasabi ni Kenta ay isang protector lang. Ang slow ko talaga minsan.
Tumawa sya ng mahina at inilahad ang kanyang kamay para tulungan ako. Char...
"Yup. And I am Kenta Lockser, a light bender."
Pls continue Chapter 6. Pls click Home or View Web Version Button below to see the side bar containing Blog Archive for easy navigation. Salamat... and God bless...